12:25

ph

ph

Masaya ang sugal — nakakaaliw, nakaka-excite, at minsan nga, puwede ka pang manalo kung swerte ka. Pero ang sugal, libangan. Hindi ito paraan para takasan ang mga problema, o solusyon na pampalaki ng perang naitabi mo. Hindi rin ito dapat maging sandalan na parang may utang itong ibalik lahat ng natalo mo.

Kaya naman may tinatwag na responsible gambling. Sa 22Bet, hindi lang ito basta legal requirement na kailangan lang ipakita; isa itong aktibong paalala na gusto talaga nilang isaalang-ala ng lahat ng players.

Layunin nitong siguraduhin na nag-e-enjoy ka, nang hindi negatibong naaapektuhan ang pera, oras, at mental well-being mo. Sa rebyu na ‘to, aalamin natin kung ano nga ba ang responsible gambling at ang mga senyales na kailangan mong magpahinga o mag-step back mula sa paglalaro.

Ano ang Responsible Gambling?

Ang responsible gambling ay ‘yung sinisigurado mo na ikaw ang may kontrol sa paglalaro mo — mapa oras, pera, o isip man ang usapan. Ang goal nito ay ang ikaw mismo ang magtakda ng malinaw na hangganan para hindi ka masobrahan sa laro.

Sa 22Bet, may mga tools at settings ka na pwedeng gamitin para manatiling ligtas at maayos ang pagtaya mo:

  • Magtakda ng Spending Limits: Itakda kung magkano lang ang kaya mong talunin at sundin ito. Huwag gagalaw ng budget sa renta o pagkain para lang habulin ang panalo.
  • Limitahan ang Oras ng Paglalaro: Gumamit ng session reminders para malaman kung kailan ka dapat magpahinga bago ka mapagod o maubusan ng pera.
  • Iwasang Habulin ang Talo: Ang talo kahapon ay hindi utang ng laro na kailangan nitong ibalik sa’yo.
  • Panatilihing Malinaw ang Isip: Huwag magsugal kapag lasing, galit, o emosyonal — kadalasan, masama ang nagiging resulta.
  • Gamitin ang Site Controls: Nariyan ang deposit limits, cooling-off periods, at self-exclusion para sa kaligtasan mo. Gamitin ang mga ito kapag kailangan.

Mga Signs ng Problema

Bago ka pa man dumating sa punto na kailangan mo na talaga ng tulong.

Narito ang ilang sinyales na maaring magpakita ng maaga:

  • Pera: Mas marami ka nang ginagastos kaysa sa plano, nagtatago ka ng taya, o nanghihiram para lang makapagpatuloy.
  • Oras: Naiiwan kang di namamalayan ang oras, nalalampasan ang pagkain o tulog, o palagi mong sinasabi sa sarili mo na “isa na lang.”
  • Mood: Nagiging iritable o balisa ka hangga’t hindi ka nakakapaglaro muli, o hindi ka makaalis sa pag-iisip tungkol sa panalo at talo.
  • Pag-uugali: Nagsisinungaling ka tungkol sa kung gaano kadalas o kalaki ang nilalaro mo, o gumagamit ka ng ibang account para lang maitago ito.
  • Kontrol: Sinubukan mo nang magbawas pero hindi mo magawa, o paulit-ulit mong nilalabag ang mga limitasyon na ikaw mismo ang nagtakda.

Paano Makakakuha ng Professional Help?

Kapag pakiramdam mo ay sobra na ang epekto ng pagsusugal sa buhay mo, hindi mo kailangang tiisin nang mag-isa. May mga libreng, kumpidensyal, at mapagkakatiwalaang support services sa Pilipinas na puwedeng lapitan para makausap ang isang propesyonal o makakuha ng praktikal na gabay.

Narito ang ilang mga puwedeng puntahan:

  • National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline: 1553 (Luzon):0917-899-8727, 0966-351-4518. Libreng crisis support para sa distress, addiction concerns, o kung nahihirapan ka nang kontrolin ang pagsusugal.
  • HOPELINE Philippines: 0917-558-HOPE (4673), (02) 8804-4673. Kumpidensyal na hotline para sa mental health, stress, at behavior concerns.
  • LGU Mental Health Desks: Maraming city/municipality ang may mental health officer na nagbibigay ng counseling, assessment, at referrals. Private Therapists / Psychiatrists Para sa mas malalang gambling issues na may kasamang anxiety, depression, o loss of control. Puwede ka magpa-assess for proper treatment.